Poems Of My Heart

Friday, December 5, 2008

kay hirap pala

Sa nagdaang kapanahunan sana'y batid mong sinisinta kita
Araw'y di pinalalampas kung di ka napaliligaya
Bawat saglit namang di ka nasusulyapan
Ay para bagang kay laking pagkukulang
---
Subalit ako'y pawang di napapansin
Kahit anong aking gawin upang magkalapit
Pagkat para sa iyo ako'y isang dayuhan lamang
Na nasasalubong mo sa iyong pagdaraan
---
Kaya't sinubok kong mawaglit ka sa isipan
Mag-isip ng ibang bagay na mas kagigiliwan
Mga bagay na papawi sa aking lumbay
Ngunit kay hirap pala na sa isip ko ika'y mawalay.

0 comments:

 

blogger templates | Make Money Online