Poems Of My Heart

Friday, December 5, 2008

sa piling mo

'Di ko mamalas na dagling kalimutan ka
pagka't sa aking isipan ay ikaw lang talaga
Ang maamong ngiti ng iyong labi at
mala-anghel mong pisngi
Nagbibigay sigla sa bawat araw na ika'y
natatanglaw
Nawa'y iyong mawari and aking kagalakan
sa bawat pagkakataong ika'y natatanaw.
---
MInsan sa isang pagkakataon
sana'y ako'y nasa piling mo
Umaagapay sa iyong kanlungan
upang yakapin ka.
Sa piling mo'y
wala nang mahihiling pa
wala nang masasabi pa
kundi sana'y mapawalang hanggan
ang minsan na ito.
---
Sana'y mayakap sa gabing ito
na tila ika'y aking pag-aari
At dadamhim ko ang iyong mga hawak
na kay tagal ko nang inaasam-asam
Sana'y maramdaman sa iyo
ang kaligayahang inaasam ko
dahil sa piling mo
wala nang mahihiling pa.

0 comments:

 

blogger templates | Make Money Online